Trough ng Typhoon Queenie, nakakaapekto na sa Eastern Visayas

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 06:41 AM

Patuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa Tropical Storm na may international name na ‘Kong-Rey’ na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Tatawagin itong ‘Queenie’ pagpasok ng bansa.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,550 kilometro Silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, posibleng sumunod ito sa track na dinaanan ng Bagyong Paeng na hindi tumama sa anumang kalupaan ng bansa.

Inaasahan itong aabot sa Typhoon Category at papasok ng PAR sa pagitan ng araw ng Lunes at Martes at lalabas naman araw ng Sabado (Oct.6) o Linggo (Oct.7).

Ngayong araw, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Silangang Visayas dahil sa ‘trough’ o extension ng Bagyong Kong-Rey.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa magiging maaliwalas ang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning o may matataas na alon sa mga karagatan ng Batanes, Calayan, Cagayan, Babuyan, hilagang baybayin ng Ilocos Norte, Isabela at Aurora.

TAGS: #QueeniePH, Pagasa, #QueeniePH, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.