Magkahiwalay na pagyanig naitala sa Occ. Mindoro at Davao Occ.

Dalawang magkahiwalay na pagyanig ang naitala sa Occidental Mindoro at Davao Occidental madaling-araw ng Linggo.

Sa impormasyon ng Phivolcs, naganap ang magnitude 4.1 na lindol sa Davao Occidental kaninang ala-1:53.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 261 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 33 kilometro.

Alas-3:27 naman ng maitala ang magnitude 3.3 na lindol sa Occidental Mindoro.

Ang episentro nito ay sa layong siyam na kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Rizal.

May lalim itong siyam na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Hindi naman nakapagtala ng pinsala sa mga ari-arian maging mga aftershocks.

Read more...