Ayon sa Bureau of Fire Protection – Makati, nagsimula ang apoy sa kusina ng restaurant dahil sunog ang mga kagamitan sa bahaging ito ng establisyimento.
Sinasabing dahilan ng pagsiklab ng apoy ay naiwan umano ng cook ang kanyang niluluto.
Ilang sandali ang lumipas ay nasusunog na ang kusina.
Naabutan pa ng ilang customers ang sunog dahil sa 24 hours ang operasyon ng kainan.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at wala ring naitalang nasaktan.
Tuluyang naapula ang sunog ganap na alas-12:50 ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES