Korean resto sa Makati, natupok ng apoy

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 05:20 AM

Nasunog ang isang Korean restaurant sa San Lucas St., Brgy. Poblacion, Makati City Linggo ng hating-gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Makati, nagsimula ang apoy sa kusina ng restaurant dahil sunog ang mga kagamitan sa bahaging ito ng establisyimento.

Sinasabing dahilan ng pagsiklab ng apoy ay naiwan umano ng cook ang kanyang niluluto.

Ilang sandali ang lumipas ay nasusunog na ang kusina.

Naabutan pa ng ilang customers ang sunog dahil sa 24 hours ang operasyon ng kainan.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at wala ring naitalang nasaktan.

Tuluyang naapula ang sunog ganap na alas-12:50 ng madaling araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.