Libu-libo nakiisa sa Kapistahan ni San Miguel Arkanghel sa Iligan City

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 02:03 AM

Photo from Iligan Daily

Dumagsa ang libu-libong deboto sa prusisyon sa karangalan ni San Miguel Arkanghel sa Iligan City.

Si Senyor San Miguel ang patron ng lungsod na ang kapistahan ay itinakda ng Simbahang Katolika tuwing Setyembre 29.

Sa mga larawang ibinahagi ng Iligan Daily sa Facebook makikita ang hindi mahulugang karayom na dami ng tao na nakiisa sa kapistahan.

Hindi batid ang batas militar sa rehiyon ng Mindanao sa pagdagsa ng mga tao sa pagdiriwang.

Bukod sa prusisyon ay nagkaroon din ng basaan ng tubig sa pamamagitan ng fire trucks na sumisimbolo sa pagbabasbas.

Ang pagdiriwang sa Kapistahan ni San Miguel Arkanghel ay ang panapos sa halos isang buwang Diyandi Festival ng Iligan City.

Ang Diyandi Festival na itinatag noon pang 2004 ay nagtataguyod sa cultural identity ng lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.