PIA Chief Clavite kay Mocha Uson: ‘Resign’

By Rhommel Balasbas September 30, 2018 - 01:38 AM

Muling ipinanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa isang panayam, muling iginiit ni Philippine Information Agency (PIA) Director-General Harold Clavite ang kanyang apela na bumaba na sa pwesto si Uson.

Ayon kay Clavite, dahil sa mga kapalpakan ng opisyal ay nababahiran ang imahe ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon.

Ang pahayag ni Clavite ay kasunod pagkabalam sa deliberasyon ng budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa hindi pagdalo ni Uson.

Kapalkapakan umanong maituturing ang hindi pagdalo ni Uson.

Ang PIA ay isang sangay ng PCOO.

Hindi ito ang unang beses na nanawagan ang isang opisyal sa pagbibitiw ni Uson sa pwesto matapos ang kanyang kinasadlakang mga kontrobersiya tulad ng pepederalismo video at paglapastangan umano ng kaibigang si Drew Olivar sa sign language.

Matatandaang pinayuhan ni dating Senate President Aquilino Pimentel si Uson na bumalik na lamang sa showbiz at huwag nang makialam pa sa federalism campaign.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.