Susunod na pabuya sa mga sundalo, Rolex na – Duterte

By Angellic Jordan September 29, 2018 - 09:58 PM

Presidential Photo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamahaling relo na ang susunod niyang ibibigay na pabuya sa mga sundalong magpapakita ng katapangan na gawin ang kanilang tungkulin para sa bayan.

Sa harap ng mga sundalo sa isinagawang seremonya sa provincial capital ng Prosperidad, Agusan del Sur, tiniyak ng pangulo na magbibigay siya ng Rolex luxury watches kung magiging matapang ang lahat.

Sinabi naman ni Duterte na hindi na makatatanggap nito ang mga una nang nabigyan ng relo.

Samantala, pinuri at sinaluduhan ng Punong Ehekutibo ang aniya’y ‘wonderful performance’ ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command.

Pinangunahan din nito ang paggawad ng mga medalya sa mga opisyal.

Binigyan naman ni Duterte ang 401st at 402nd Infantry Brigades ng tig-P100,000 para sa kanilang serbisyo.

TAGS: Rodrigo Duterte, Rolex, Rodrigo Duterte, Rolex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.