Brgy. Ginebra, nanguna na sa PBA Governors’ Cup standings

PBA photo

Wagi ang Barangay Ginebra San Miguel kontra sa Phoenix Fuel Masters PBA Governors’ Cup sa Cagayan de Oro sa iskor na 101-99.

Umalagwa ang Gin Kings matapos makapagtala si Justin Brownlee ng 34 points at 15 rebounds sa laro.

Maliban sa scoring, naging susi rin sa kanilang pagkapanalo ang magandang depensa sa mga huling segundo ng laro.

Dahil dito, nangunguna na ang Ginebra sa team standings sa kanilang 5-1 win-loss record.

Nakapag-ambag din sa laro si Scottie Thompson sa iskor na 12 points at 14 rebounds.

Hindi naman nakapaglaro sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar dahil sa iniindang injuries.

Read more...