Palangdan, nagpaalala sa ipatutupad na total mining ban sa Itogon simula sa Oct. 1

By Angellic Jordan September 29, 2018 - 08:47 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Pinaalalahanan ni Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan ang mga mining operator sa pagpapatupad ng total mining ban simula sa October 1, 2018.

Aniya, mahaharap sa parusa ang sinumang lumabag sa total ban sa bayan ng Itogon.

Ipinatupad ito matapos ang malagim na landslide sa Barangay Ucab kung saan nasawi ang ilang minero kasama ang kanilang mga kaanak sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Sinabi naman ng alkalde na magpapatuloy pa rin ang retrieval operations sa lugar.Sa huling tala, umabot na sa 87 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa gumuhong lupa habang 15 naman ang nawawala.

TAGS: Itogon landslide, Mayor Victorio Palangdan, total mining ban, Itogon landslide, Mayor Victorio Palangdan, total mining ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.