Presyo ng ilang Noche Buena items, posibleng tumaas – DTI

Posibleng tumaas ang presyo ng ilang Noche Buena products ngayong taon, ayon sa Department of Trade of Industry (DTI).

Paliwanag ng kagawaran, kadalasan kasing tumataas ang mga produktong patok tuwing Pasko nang 3 hanggang 5 percent.

Ngunit sinabi ng DTI na susubukan nilang hindi ito lumagpas ng 10 percent.

Ani DTI undersecretary Ruth Castelo, buwan pa lang ng February at March ay inihahanda na ang mga sangkap ng ham at cheese kaya’t presyo dapat noong February ang computation nito.

Ayon naman kay Luis Enrico, corporate secretary ng Philippine Chamber of Food Manufacturers Inc. (PCFMI), sisikapin din nilang hindi tumaas ang presyo ng mg sangkap.

Nagbigay-paalala ang DTI sa mga konsyumer na maging alerto sa mga magpapatuad ng overpricing sa kanilang mga produkto at ilapit sa kanilang numerong 1-384.

Read more...