Utang ng Pilipinas, lumobo sa P7.104T hanggang Agosto

By Len Montaño September 29, 2018 - 07:56 PM

Lumobo sa record-high P7.104 trillion ang utang ng national government sa unang walong buwan ng taon.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), ang total outstanding debt ay umakyat sa 10.5% mula P6.432 trillion sa parehong panahon noong 2017.

Dahil dito, kada buwan ay lumaki ng 0.86% ang kabuuang babayaran mula sa P7.04 trillion sa pagtatapos ng Hulyo.

Tumaas ang foreign debt ng 3.6% o P2.531 trillion habang ang domestic debt ay bumaba ng 0.6% o P4.573 trillion.

Ang utang panloob ay bumaba dahil sa “net redemption of government securities” na nagkakahalaga ng P27.77 billion, na bahagyang na-offset ng pagbagsak ng halaga ng piso.

Ang utang panlabas ay kumakatawan sa 35.6% ng kabuuang utang hanggang sa pagtatapos ng Agosto habang ang domestic borrowings ay nagdagdag ng 64.37% na bayarin.

Pero sinabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang bansang may debt-to-GDP ratio na mababa sa 60% ay maituturing na fiscally sound.

TAGS: Bureau of Treasury, BUsiness, DBM, foreign loans, Pilipinas, Bureau of Treasury, BUsiness, DBM, foreign loans, Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.