NUPL, maghahain ng supplemental pleading sa reklamo vs Duterte

By Len Montaño September 29, 2018 - 05:56 PM

Maghahain ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) ng supplemental pleading sa kanilang reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity.

Ito ay kasunod ng pag-amin ng pangulo na kasalanan niya ang extrajudicial killings.

Ayon kay NUPL chairman Neri Colmenares, inihahanda na nila ang supplemental pleading sa ICC para maikonsiderang ebidensya ang transcript ng records ng pahayag ng pangulo galing sa mga official sources kabilang ang video ng kaniyang sinabi.

Sinabi ni Colmenares na matapos makumpleto ang pleading ay ihahain nila ito sa ICC sa susunod na linggo.

Ang NUPL ang nagsisilbing abogado para sa anim na kaanak ng walong biktima ng ejk at ng religious group na Rise Up For Life and For Rights sa kanilang reklamo laban kay Duterte.

Ang complaint ay isa sa dalawang reklamo o communications na inihain sa ICC, una ang inihain ng abogadong si Jude Sabio.

TAGS: crimes against humanity, extrajudicial killings, ICC, NUPL, crimes against humanity, extrajudicial killings, ICC, NUPL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.