Bilang ng apektadong Pinoy Facebook users sa data breach, inaalam pa ng NPC
Tinutukoy pa ng National Privacy Commission (NPC) kung ilang Filipino users ng social networking site na Facebook ang naapektuhan ng malawakang data breach.
Ayon kay Privacy commissioner Raymund Liboro, nasa early stages pa ang imbestigasyon kaya hindi pa kumpirmado ang eksaktong bilang ng mga naapektuhang Pinoy na may Facebook accounts.
Inaalam din ng ahensya kung ang maling gamit ng personal information ang nagresulta sa data breach.
Mayroong breach management procedures ang NPC at inaasahan nila na sinusunod ito ng Facebook.
Payo naman ni Liboro para hindi ma-hack ang social media accounts, magkaroon ng multi-factor authentication, gumamit ng malakas na password at mag-practice ng tinatawag na good digital hygiene.
Pahayag ito ng NPC matapos kumpirmahin ng Facebook na ninakaw ng hackers ang kanilang digital login codes kaya napasok ang halos 50 milyong user accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.