Pagpapaliban ng Makati RTC sa paglabas ng arrest warrant vs Trillanes, nirerespeto ng Palasyo

By Angellic Jordan September 29, 2018 - 02:58 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nirerespeto ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpapaliban ng korte ng Makati sa pag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa ipinadalang text message, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nirerespeto nito ang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148.

Ipinagpaliban ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang pagpapalabas ng resolusyon sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) ukol sa kaso.

Nakatakda ang pagdinig sa kasong kudeta laban kay Trillanes sa October 5, araw ng Biyernes, bandang 9:00 ng umaga.

TAGS: kudeta, Makati RTC Branch 148, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque, Sen. Antonio Trillanes, kudeta, Makati RTC Branch 148, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque, Sen. Antonio Trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.