5 sugatan sa pagpasok ng Typhoon Trami sa Japan
Hindi bababa sa lima katao ang sugatan sa pagpasok ng Typhoon Trami sa southern Okinawa, Japan.
Hindi pa man nagla-landfall ang bagyo, batay sa ulat, mahigit 600 katao na ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Okinawa.
Nawala naman ng kuryente ang humigit-kumulang 121,000 kabahayan sa lugar.
Maliban dito, kinansela na rin ang 386 flights sa Kalurang bahagi ng Japan.
Ayon sa opisyal mula sa disaster-management office ng isla, posible pang madagdagan ang bilang ng mga apektadong residente.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa mainland Japan, Linggo ng umaga.
Dahil dito, inabisuhan ang mga residente na maging alerto sa malakas na hampas ng hangin at buhos ng ulan, at matataas na alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.