Malacañang muling dumepensa sa EJK statement ni Duterte

By Jimmy Tamayo September 29, 2018 - 11:16 AM

Inquirer file photo

Muling nagpaliwanag si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa extra judicial killings.

Sinabi ni Roque na wala namang inaamin ang Pangulo na nakagawa siya ng EJK taliwas sa pagtanggap ng marami sa naging talumpati noong Huwebes.

Katwiran ng kalihim, binigyang diin lamang sa pahayag ng Chief Executive na hindi siya nasangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at tanging ipinupukol aniya sa kanya ng mga kritiko ay ang EJK kaugnay naman ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Dismayado din ang Presidente na may mga namamatay dahil sa iligal na droga pero wala naman umanong direktang kinalaman sa operasyon ang mga pulis.

Nauna nang sinabi ng mga kritiko ng pangulo na gagamitin nila ang nasabing pahayag ni Duterte para papanagutin siya sa mga namatay sa war on drugs ng pamahalaan.

TAGS: duterte, ejk, Harry Roque, Malacañang, duterte, ejk, Harry Roque, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.