Trillanes lumabas na sa Senado para umuwi sa kanilang bahay
Maaga pa lamang ay naghanda na si Sen. Antonio Trillanes sa pag-uwi sa kanilang bahay makaraan ang ilang linggong pananatili sa gusali ng Senado.
Pero bago ang kanyang pag-uwi ay muling siyang humarap sa mga miyembro ng media kung saan ay muli niyang kinastigo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Trillanes na dahil sa mga ginagawa ni Duterte sa kanyang mga kritiko ay lalong lumalakas ang hanay ng oposisyon.
Binanggit rin ng mambabatas na maraming mga local officials ang nagpahatid sa kanyang ng suporta pero ayaw lumantad ng mga ito dahil sa takot na gipitin ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang pagbabalik sa Senado sa Lunes ay tiniyak ni Trillanes na tuloy ang kanyang trabaho kabilang dito ang pagsilip sa ilang mga negosyong pinasok sa pamahalaan ng ilang malalapit na tauhan ng pangulo.
Kasama sa listahan ni Trillanes sina Solicitor General Jose Calida at Special Assistant to the President Chridtopher “Bong” Go.
Si Trillanes ay sinamahan ng kanyang mga staff at ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa paglabas sa Senado makalipas ang ipinatawag na presscon kaninang 10:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.