Umakyat na sa 30 ang bilang ng patay sa naganap na malakas na lindol at tsunami sa lungsod ng Palu sa Sulawesi island sa bansang Indonesia.
Bukod sa mga nawasak na mga bahay ay naapektuhan rin ng kasunod na tsunamin ang ilang mga establishmento sa mga lungsod ng Palu at Donggala.
Nagpadala na rin ang pamahalaan ng dagdag na mga tauhan mula sa Indonesian National Armed Forces para tulungan ang mga apektado ng pagyanig.
Tiniyak rin ni Indonesian President Joko Widodo ang mabilis na tulong sa kanyang mga kababayan.
Pasado alas-tres ng hapon kahapon oras sa Indonesia naganap ang pagyanig.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), umabot sa magnitude 7.5 ang pagyanig sa Palu.
Ipinaliwanag rin ng USGS na dahil sa lakas ng pagyanig ay asahan na sa lugar ang mga aftershocks.