Ebidensya sa “Red October” plot ng NPA hawak na ng AFP

By Jimmy Tamayo September 29, 2018 - 09:16 AM

Inquirer file photo

May hawak na ebidensya ang militar na magpapatunay sa Red October plot na naglalayong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ni Brig. Gen. Antonio Parlade, Jr., ang Deputy Chief for Staff for Operation ng AFP, may nakuhang laptop computers at iba pang mga dokumento sa 13 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa operasyon ng militar sa Northern Mindanao noong Hulyo.

Bukod pa ito sa bankbook, mga telepono at identification cards na nakuha sa mga rebelde.

Dahil dito, sinabi ni Parlade na nakumpirma din nila na hindi lamang sa Metro Manila isasagawa ang plano kundi sa buong bansa.

Nauna nang itinanggi ng Communist Party of the Philippines ang nasabing plano na anila ay gawa-gawa lang ng AFP.

TAGS: AFP, CPP-NPA, parlade, red october, AFP, CPP-NPA, parlade, red october

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.