Bagyong Paeng lalabas na ng PAR; isang bagong bagyo papasok sa Martes at papangalanang ‘Queenie’
Inaasahang sa pagitan ng alas-sais hanggang alas-otso ngayong umaga lalabas na ang mata ng Bagyong Paeng sa Philippine Area of Responsibily (PAR).
Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 680 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Mabagal pa rin ang pagkilos nito sa direksyong Hilaga-Hilagang-Kanluran.
Bagaman walang epekto sa kalupaan, nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Hilaga at Silangang Luzon.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Tropical Depression sa labas ng Visayas.
Huli itong namataan sa layong 2,245 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng ng hanging aabot sa 60 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, kung magpapatuloy ang pagkilos nito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 40 kilometro kada oras ay papasok ito ng PAR sa araw ng Martes.
Papangalanan itong Queenie pagpasok ng PAR.
Ngayong araw, maalinsangang panahon ang aasahan sa buong bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.