M3.5 na lindol naitala sa Davao Occidental
By Rhommel Balasbas September 29, 2018 - 04:02 AM
Naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa Davao Occidental alas-3:28 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 259 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim itong 164 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.