Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Bp. David na isang public confession ang ginawa ng pangulo.
Ang ginawa anya ni Duterte na pag-amin ay isang magandang simula.
Inihalintulad nito ang ginawa ng pangulo bilang isang hakbang sa sakramento ng kumpisal ng Simbahang Katolika.
Anya, bagaman umamin na ang pangulo ay may tatlo pang bahagi ang sakramento ng kumpisal na dapat gawin upang siya ay mapatawad ng Diyos.
Ito ay ang ‘contrition’ o labis na pagsisisi sa kasalanan; ‘penance’ o paggawa ng mga bagay nagpapakita ng lubos na pagsisisi; at ‘absolution’ o ang pagpapatawad sa nagawang kasalanan.
Ayon sa obispo, ang Diyos ay laging mapagpatawad.