Pag-amin ni Pangulong Duterte na kasalanan niya ang EJK welcome sa isang obispo

By Rhommel Balasbas September 29, 2018 - 05:18 AM

Positibo ang tugon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio S. David sa umano’y naging pag-amin ng pangulo na kasalanan niya ang extrajudicial killings (ejk).

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Bp. David na isang public confession ang ginawa ng pangulo.

Ang ginawa anya ni Duterte na pag-amin ay isang magandang simula.

Inihalintulad nito ang ginawa ng pangulo bilang isang hakbang sa sakramento ng kumpisal ng Simbahang Katolika.

Anya, bagaman umamin na ang pangulo ay may tatlo pang bahagi ang sakramento ng kumpisal na dapat gawin upang siya ay mapatawad ng Diyos.

Ito ay ang ‘contrition’ o labis na pagsisisi sa kasalanan; ‘penance’ o paggawa ng mga bagay nagpapakita ng lubos na pagsisisi; at ‘absolution’ o ang pagpapatawad sa nagawang kasalanan.

Ayon sa obispo, ang Diyos ay laging mapagpatawad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.