Bagyong Paeng, lalabas na ng bansa ngayong araw
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Paeng ngayong umaga.
Sa weather advisory ng PAGASA alas-11 ng gabi, huling namataan ang bagyo sa layong 645 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong Hilagang-Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Samantala, isa nang tropical depression ang LPA sa Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Inaasahang papasok ang bagyo sa Martes, October 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.