MWSS dumepensa sa pag-apruba sa dagdag-singil ng Manila Water

By Len Montaño September 29, 2018 - 01:23 AM

Dumipensa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa pag-apruba sa dagdag singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay MWSS Chief Regualtor Patrick Ty, naintindihan nila ang hirap ng mga consumer sanhi ng inflation. Ito anya ang dahilan kaya hinati nila sa lima ang water rate increase.

Sinabi ni Ty na hindi ginawang isang bagsakan ang dagdag singil para hindi masyadong mabigat sa publiko.

Inaprubahan ng MWSS ang rate adjustment ng Maynilad na P5.73 kada cubic meter habang P6.22 hanggang P6.50 kada cubic meter naman sa Manila Water.

Paliwanag ni Ty, ito ay mas mababa sa hiling ng Manila Water na P8.30 at P11.04 sa Maynilad.

Hahatiin ang water rate hike simula sa Oktubre hanggang Enero 2022 liban sa taong 2019.

Sa susunod na buwan, P0.90 ang taas singil ng Maynilad habang P1.46 sa Manila Water.

Sa January 2020 at January 2021, nasa P1.95 ang rate adjustment ng Maynilad at P2 naman sa Manila Water.

Pagdating ng January 2022, nasa P0.92 ang dagdag singil ng Maynilad habang mula P0.76 hanggang P1.04 sa Manila Water.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.