Simulation runs ng light rail vehicles o LRV, isasagawa sa Oktubre
Magsasagawa ang Department of Transportation o DOTr, Philippine National Railways o PNR, MRT-3 at CRRC Dalian ng “simulation runs” sa darating na Oktubre para sa Light Rail Vehicles o LRVs.
Ayon sa DOTr, ang simulation runs ay layong madetermina ang “suitability” ng nasa apatnapu’t walong LRVs para sa revenue service.
Tiniyak naman ng DOTr na ang simulation runs ay hindi makakaapekto sa operasyon ng MRT-3, dahil susundin pa rin ang umiiral na operating policies sa rail system.
Kahapon (September 28) ay nag-umpisa na ang dry run ng simulation runs, sa MRT-3 Depot, sa North Avenue, Quezon City.
Nagsagawa rin ang DOTr, PNR Planning Division at MRT-3 ng inspeksyon at checking process sa “reliability” o kahusayan ng mga Dalian train.
Noong mga nakalipas na buwan ay sinabi ng DOTr na posibleng bumiyahe at masakyan na ng mga pasahero ng MRT-3 ang Dalian trains, na mula sa nabanggit na Chinese manufacturer at nagkakahalaga ng mahigit P3 billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.