Pag-amin sa EJK ni Pang. Digong maaring magamit na ebidensya – Sen. Lacson

By Jan Escosio September 28, 2018 - 08:28 PM

Hindi imposible na gamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag nito na ang kanyang tanging kasalanan ay ang extra judicial killings.

Ito ang sinabi ni Senator Ping Lacson at aniya kung sakali mang aasuntuhin ang pangulo sa international criminal court o impeachment court, ang mga tatayong hukom na ang bahala kung paano nila bibigyan kahulugan ang naging pahayag ng punong ehekutibo.

Ikukunsidera din aniya ang paraan kung paano ginawa ng pangulo ang kanyang pag-amin.

Asahan na na sasamantalahin ng kritiko ng pangulo ang kanyang pag amin, samantalang tulad na rin inaasahan dumipensa na ang mga kaalyado ng palasyo at sinabing biro lang ulit ng pangulo ang pag amin niya ukol sa EJKs.

TAGS: panfilo lacson, Radyo Inquirer, panfilo lacson, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.