Pag-amin ni Pangulong Duterte na “only sin” niya ay ang EJKs, binatikos ng CHR
“Sagrado ang buhay. Hindi ito dapat pinaglalaruan. Hindi rin tama na gawing paksa ng biro.”
‘Yan ang naging tugon ng Commission on Human Rights o CHR kasunod ng pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tanging kasalanan niya ay ang extra judicial killings o EJKs sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia na huwag gawing katatawanan at sa halip ay dapat seryosohin ng administrasyon ang pagkamatay ng libu-libong Pilipino na patuloy na humihingi ng hustisya.
Ani de Guia, ang CHR ay mananatiling nakatutok sa kanilang mandato na imbestigahan ang bawat kaso ng EJKs, na sinasabing resulta ng war on drugs ng administrasyon.
Paalala naman ng de Guia sa Philippine National Police o PNP, may tungkulin sila na papanagutin ang mga may sala o responsable sa EJKs.
Sa isang speech ay sinabi ni Duterte na hindi raw siya nagnakaw ng ni-singko mula sa mga tao, at ang “only sin” umano niya ay ang EJKs
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.