Mahigit 200 katao pina-deport ng Pilipinas mula Malaysia
Aabot sa 202 na katao ang pinabalik ng Pilipinas galing sa Malaysia.
Tinutulungan nangayong ng Department of Social Welfare of Development ang mga deportees na dumating sa Zamboanga City sakay ng barko.
Sa 202 na mga umuwi, 185 ang lalaki, 16 ang babae at 1 ang batang babae.
Ayon kay Ivan Eric Salvador, DSWD Regional Information Officer, tutulungan nilang makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ang deportees.
Karamihan sa kanila ay mula sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi Tawi.
Habang ang iba naman ay residente sa Visayas at Luzon.
Ang mga deportees ay pagkakalooban ng DSWD ng tranportation allowance at iba pang personal na pangangailangan.
Agad din silang isinailalim sa check up nang sila ay dumating sa bansa.
Pansamantala, mananatili sila sa Processing Center for Displaced Persons ng DSWD sa Barangay Talon-Talon habang hinhintay na sila ay makauwi sa kanilang hometown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.