P1.75M na halaga ng beauty products at computer parts, winasak ng BOC

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 07:13 PM

Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat na P1.75 million na halaga ng computer parts at mga beauty products.

Isinagawa ang pagwasak sa mga kontrabando sa accredited facility ng BOC na RMM Trading Waste Management sa Kawit, Cavite.

Ang mga sinirang produkto ay galing sa China at inabandona na ng consignee ng mga ito mula pa noong 2017.

Tumitimbang ng 5- tonelada at sakay ng 40-container vans ang mga produkto.

Ayon sa BOC, ang mga beauty products at spray bottle caps ay pawang misdeclared bilang houseware at ladies accesories.

Ang mga secondhand computer parts naman ay nakitaan ng paglabag sa environmental regulation.

Ayon kay Mia Leaño ng BOC-Port of Manila Auction and Cargo Disposal Division, inabot ng taon bago maisagawa ang pagwasak sa mga kontrabando dahil sa haba ng proseso para sa paperwork at permits.

TAGS: Bureau of Customs, BUsiness, misdeclared items, Bureau of Customs, BUsiness, misdeclared items

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.