Pag-amin ni Pang. Duterte pwedeng gamitin laban sa kaniya sa ICC

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 05:58 PM

Maaring gamitin laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang pag-amin nito na extrajudicial killings ang kaniyang tanging kasalanan.

Ito ang sinabi ni Atty. Jude Sabio na siyang naghain ng reklamo laban kay Duterte.

Sinabi ni Sabio na sa naging pahayag ng pangulo ay kinumpirma niyang siya ay isang “killer”.

Sinabi rin ni Sabio na katibayan ang pag-amin ng pangulo na ang Philippine government ay walang kakayang siya ay imbestigahan kaya tanging ang ICC lamang ang maaring mag-prosecute sa kaniya.

Ang inihaing communication ni Sabio sa ICC ay humihiling na mapanagot ang pangulo sa libu-libong nasawi dahil sa war on drugs.

Ang unang communication sa ICC ay inihain ng mga militante at pamilya ng mga bitkima ng drug war.

TAGS: duterte, extrajudicial killings, duterte, extrajudicial killings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.