Makati RTC wala pang inilabas na arrest warrant vs Sen. Trillanes

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 28, 2018 - 04:04 PM

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Hindi nagpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 148 laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Rey Robles, abogado ni Trillanes na may natanggap silang kopya ng order ng korte at sa halip na maglabas ng arrest warrant ay nagpasya si Makati City RTC Branch 148 Judge Andres Bartolome Soriano na magtakda ng petsa para sa reception of evidence.

Itinakda ito sa October 5, 2018, alas 9:00 ng umaga.

Nakasaad din sa kautusan na “deferred” o ipagpapaliban muna ang pagpapasya sa very urgent motion ng Department of Justice na humihiling ng pag-iisyu ng arrest warrant at HDO laban sa senador.

Sa itinakdang reception of evidence, tutukuyin ang sumusunod na mga isyu:

Una ay kung nagkapaghain ba o hindi si Trillanes ng application para amnesty bago ito naipagkaloob sa kaniya at ikalawa ay kung nagkaroon ba o hindi ng admission of guilt sa kaniyang panig.

TAGS: antonio trillanes, Branch 148, Makati RTC, Radyo Inquirer, antonio trillanes, Branch 148, Makati RTC, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.