Loan Restructuring Program ng SSS pinalawig ng 6 na buwan pa
Pinalawig pa ng anim na buwan ng Social Security System (SSS) ang Loan Restructuring Program (LRP) na mayroong penalty condonation.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, sa halip na sa October 1, 2018 ay pinalawig ng hanggang April 1, 2019 pa ang pag-avail sa programa.
Sa ilalim ng LRP, ang mga miyembro na mayroong overdue loan ay maaring magbayad ng buo sa SSS nang walang dagdag na interest.
Kung hindi naman kayang bayaran ng buo, pwede namang bayaran ng hanggang limang taon na mayroong mababang interest rate lamang na three percent kada taon.
Noong April 2, 2018 nang ilunsad muli ng SSS ang LRP kung saan umabot na sa halos 300,000 ang nag-avail nito sa unang limang buwan ng implementasyon.
Nagresulta din ito sa pagkakakulekta ng P2 bilyon na halaga ng mga overdue na loan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.