Passport processing mas mabilis na mula Oct. 1 – DFA
Simula sa October 1, 2018 mas magiging mabilis na ang processing at releasing ng passport ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa anunsyo ng DFA, simula sa Lunes nakukuha na ng mga aplikante ang kanilang pasaporte sa loob ng 12 araw mula sa dating 15 araw para sa regular processing fee na ang halaga ay P950.
Kung express processing naman na ang halaga ay P1,200, mula sa dating 7 araw ay makukuha na ang pasaporte sa loob ng 6 na araw.
Ito ay para sa lahat ng consular offices dito sa Metro Manila.
Para naman sa mga nasa labas ng Metro Manila o sa mga nag-apply ng passport sa mga lalawigan, mula sa dating 20 days ay makukuha na ang passport sa loob ng 12 araw, at kung express ay makukuha ang passport sa loob ng 7 araw sa halip na 10 araw.
Maging ang waiting time para sa online appointment ay nabawasan na ayon sa DFA.
Kung dati-rati ay tatlong buwan bago makapagpa-schedule, ngayon ay dalawang linggo hanggang 1 buwan na lamang.
Ang mas mabilis na passport processing ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano ay dahil sa pagpapatupad ng e-Payment system.
Plano rin ng DFA na maipatupad ito sa mga konsulada at embahada sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.