Duterte na-misinterpret lang sa pahayag na EJK ang tangi niyang kasalanan – Sec. Panelo

Isa pang opisyal ng Malakanyang ang kumambiyo para sa pangulo sa pahayag nito na ang extra iudicial killings ang tangi nitong kasalanan sa bayan.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential legal counsel Salvador Panelo na na-misinterpret lamang ang lenggwahe ng pangulo sa kanyang pag-amin sa EJK.

Ipinaliwanag ni Panelo na bisaya ang pangulo at hindi Manileño o hindi magaling sa tagalog.

Hindi rin naniniwala si Panelo na seryoso si pangulo nang sabihin ang pahayag at literal ang konteksto ng sinabi nito.

Iginiit ni Panelo na ang gustong sabihin ng pangulo ay EJK lamang ang tanging isyu ng mga kritiko sa kanya.

Hindi rin dapat na ituring ang sinabi ng pangulo na isang pag-amin sa EJK dahil matagal na niya itong itinatanggi.

Read more...