MRT-3 may isang linggong libreng sakay sa mga senior citizen

By Isa Avendaño-Umali September 28, 2018 - 03:41 PM

May isang linggong libreng-sakay na alok ang Metro Rail Transit o MRT-3 at Light Rail Transit o LRT line 2 para sa mga senior citizen.

Ito’y kaugnay sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week.

Batay sa pamunuan ng MRT-3, ang libreng-sakay para sa mga senior citizen ay mula October 1 hanggang 7, 2018, sa loob ng “revenue hours” o oras ng biyahe ng mga tren.

Sa LRT line 2 naman, makakalibre ng sakay ng mga nakatatanda mula 7AM hanggang 9AM, at 5PM hanggang 7PM, sa kahalintulad na petsa.

Kailangan lamang na iprisenta ang kanilang senior citizen ID o anumang dalang ID, kung saan makikita ang petsa ng kapanganakan, upang makalibre ng sakay sa mga tren.

Ang Elderly Filipino Week ay ipinagdiriwang batay sa Presidential Proclamation 470.

TAGS: Elderly Filipino Week, Free Ride, Metro Rail Transit, Elderly Filipino Week, Free Ride, Metro Rail Transit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.