Inflation sa Setyembre sisipa pa rin ayon sa DOF
Mananatili ang pagsipa ng inflation rate dahil sa mataas pa ring halaga ng mga bilihin ayon sa Department of Finance (DOF).
Sinabi ni Finance Undersecretary and chief economist Gil Beltran, sa Setyembre maaring manatili sa 6.4 percent ang inflation gaya ng naitala noong Agosto na maituturing na pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.
Pero kung ang month to month inflation ang pagbabasehan sinabi ni Beltran na bahagyang nakapagtala ng pagbagal sa inflation ngayong Setyembre na 0.6 percent lamang kumpara sa 0.9 percent noong Agosto.
Ibig sabihin, mas mababa ng kaunti ang naitalang price increases ngayong buwan ng Setyembre.
Ngayong buwan din, ang halaga ng pagkain at non-alcoholic beverages ay nakapagtala ng mabilis na pagtaas at ito ang may malaking ambag sa 6.4 percent na inflation forecast ng DOF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.