Bigtime oil price hike ipatutupad na naman sa susunod na linggo

By Jan Escosio September 28, 2018 - 01:54 PM

Sa ikaapat na linggo sa pagpasok ng ‘ber months,’ muling madadagdagan ang presyo ng mga produktong-petrolyo.

Ang ipapatupad na oil price hike sa susunod na linggo ang ika-walong sunod na.

Base sa trading ng langis mula noong Lunes hanggang kahapon, tinataya na P0.77 hanggang P0.91 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Samantala, ang pagtaas sa presyo ng bawat litro ng krudo o diesel ay tinatayang P1.34.

P1.09 naman ang maaring idagdag sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Maari pang magbago ang tinatayang dagdag sa halaga ng produktong petrolyo depende sa magiging bentahan ng imported na langis ngayon araw.

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil price hike, Radyo Inquirer, diesel, gasoline, kerosene, oil price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.