Jackpot prize sa 6/58 lotto record breaking na – PCSO

Inaasahang papalo sa P765 milyon ang jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto ngayong araw at ito na ang magiging pinakamalaking premyo sa kasaysayan.

Sinabi ni Arnes Casas, assistant manager for gaming ng PCSO, maari pang tumaas ang premyo sa muling draw sa Ultra lotto mamayang gabi.

Ang huling record lotto jackpot prize ay umabot sa P741 milyon sa 6/55 lotto noong 2010.

Dagdag pa ni Casas na kung hindi pa rin tatamaan ang jackpot prize mamayang gabi, maaring umabot na sa P800 milyon ang premyo.

Pag-amin ng opisyal na maging sila ay nakakaramdam na ng konting kaba dahil sa lumolobong jackpot prize.

Base sa pag-aaral, ang tsansa para makuha ang six winning number combinations ay isa sa bawat 40.4 milyon.

Mas mataas pa umano ang tsansa ng isang single na mahanap ang kaniyang true love kaysa ang tsansa na tumama sa ultra lotto.

Read more...