DBM naglaan ng P1.55B para sa mga munisipalidad na wala pang serbisyo ng tubig
Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.55 billion na pondo sa 2019 budget para sa implementasyon ng “Sagana at Ligtas na Tubig Project Para sa Lahat” o SALINTUBIG.
Ayon kay DBM Sec. Benjamin Diokno, ang nasabing proyekto na inaasahang magbibigay ng malinis na inuming tubig sa 157 na munisipalidad sa bansa at pangangasiwaan ng Department of Interior and Local Government DILG.
Ang pondo ay mas malaki ng 12 porsyento sa inilaaan ng DBM sa nasabing proyekto ngayong taon.
Sa nasabing halaga, pinakamalaki ang mapupunta sa Eastern Visayas na makakatanggap ng P163.5 million, pangalawa ang Central Visayas na mabibiyayaan ng P160 million at Cagayan Valley na makakatanggap ng P135 million.
Mula nang umpisahan noong 2012, mahigit na 500,000 household na mula sa 297 na munisipalidad ang nakinabang na sa SALINTUBIG project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.