JBC tatanggap ng aplikasyon para sa magiging susunod na SC chief justice
Tatanggap na ng aplikasyon ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa magiging bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay dahil sa nalalapit na pagreretiro sa pwesto ni Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro.
Si De Castro ay sasapit sa kaniyang mandatory retirement age na 70 sa October 8, 2018.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC, simula sa Sept. 29, tatanggap na sila ng nominasyon at aplikasyon.
Ang deadline naman ng submission ng requirements ay sa October 15.
Ang limang most senior na mahistrado ng Korte Suprema ay otomatikong nominado.
Kabilang dito si Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano Del Castillo at Estela Perlas-Bernabe.
Kailangan pa ring magsumite ng limang mahistrado ng letter of acceptance at iba pang requirements para mapabilang sa mga nominado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.