Ilang lotto outlets maagang pinilahan; jackpot prize sa Ultra Lotto umabot na sa P740M

Kuha ni Isa Umali

Maagang pinilahan ang ilang lotto outlet dahil mamayang gabi na muli ang draw para sa Ultra Lotto 6/58.

Ang premyo para sa 6/58 ay umabot na sa P741,229,544 dahil sa tagal nang walang tumatama.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa ilang mananaya na maagang pumila sinabi nilang itutulong nila sa mga nangangailangan ang bahagi ng premyo kung sila ay mananalo.

Ayon kay Ginang Criselda Dutor, bibili din siya ng bahay at lupa dahil ang tirahan nila sa kasalukuyan ay hindi nila pag-aari.

Si Ginoong Mario Gonzales naman sinabing tutulungan niya ang mga kaanak na nangangailangan at magbibigay din siya sa simbahan.

Ngayong maghapon inaasahang dagdagsa pa ang mga mananaya sa mga lotto outlet.

Read more...