Eroplano ng Papua New Guinea bumagsak sa karagatan

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 10:56 AM

TWITTER PHOTO | PAC NEWS

Isang eroplano na patungo sana ng Papua New Guinea ang bumagsak sa karagatan matapos mag-overshoot sa runway sa Micronesia.

Ayon sa mga opisyal mula sa Papua New Guinea, ligtas ang lahat ng 36 na pasahero at mga crew ng Air Niugini Boeing 737-800.

Sa mga larawan na naipost sa Twitter makikitang lubog na halos ang kalahati ng eroplano habang nasa palibot nito ang mga pasahero.

Ang Air Niugini ay national airline ng Papua New Guinea.

Labingtatlong taon na umanong ginagamit ang eroplano na dating pag-aari ng Jet Airlines at Air India Express.

TAGS: Air Niugini, micronesia, Papua New Guinea, Air Niugini, micronesia, Papua New Guinea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.