LOOK: “Eat All You Can” prutas sa halagang P300

Kuha ni Isa Umali

May alok na “Eat All You Can” prutas sa TienDA Malasakit Store ng Department of Agriculture sa Elliptical Road sa Quezon City.

Sa halagang P300 maaring kainin ang mga prutas na galing pa ng Davao at may kasama na itong soft drinks.

Kabilang sa mga prutas ay pomelo, durian, mangosteen at lansones.

Alas 2:00 ng hapon magsisimula ang “Eat All You Can” fruits at magtatapos ng alas 5:00 ng hapon.

Hindi naman pwedeng i-take out, o ibalot ang mga prutas at kinakailanganing ubusin ang kayang kainin sa loob lamang compound ng TienDA Store sa DA.

Read more...