Mga nabiktima ng pekeng titulo sa Tagaytay at Batangas pinalalantad ng PNP-Calabarzon

By Ricky Brozas September 28, 2018 - 09:37 AM

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) Calabarzon sa iba pang naging biktima sa pagbebenta umano ng pekeng titulo sa Tagaytay at Batangas City na lumantad na.

Ayon kay Chief Supt. Edward Carranza, PRO Calabarzon director ang mga bitkima ay maaring makipag-ugnayan sa Tagaytay City police station para madagdagan pa ang mga kaso laban sa mga suspek na nasa likod ng pagbebenta gamit ang mga pekeng titulo.

Nauna na ring inaresto ang limang akusado na nahaharap sa reklamong large scale estafa at falsification of public documents na sina Aireen Tan, Rochel Alcantara, Michael Sarabosing, at William Pineda at Gerardo Trinidad na dating empleyado ng DENR at itinuturong utak ng modus.

Kasalukuyang dinidinig sa Tagaytay City Regional Trial Court (RTC) ang kaso ng mga akusado na may case number IV-201-INQ-0087. Dalawang pagdinig na ang naisagawa nito lamang Sept. 18 at Sept. 25.

Iginiit ni Chief Supt. Elmer Decena, hepe ng Tagaytay City police na inireklamo ng Japanese investor na si Yoshihisa Tsujimoto at Pinay business partner nito na si Ester Mariano Rosales, ang mga suspek matapos nilang malaman na peke pala ang titulo nang beripikahin nila ito sa Land Registration Authority (LRA).

Nauna nang nakapagbayad ang mga biktima ng P80 milyon. Nang hingin sa kanila ang balanseng P70 milyon, nagsumbong na sila sa pulis na siya namang nagkasa ng entrapment operation sa isang kapihan sa Tagaytay.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang luxury cars at iba’t ibang pekeng titulo ng lupa.

Nang ikasa ang entrapment operation sa isang supermarket in Barangay Maharlika West, Tagaytay City ay doon na nadakip ang mga suspek makaraang tanggapin ng mga ito ang P400,000 (budol money) na dagdag na bayad mula sa mga biktima.

Nahuli ang 4-5 pekeng titulo na iniaalok sa Japanese national na kanilang biniktima kapalit ng hinihinging P70milyon. Ang paunang bayad na budol money ay nakitang nasa bag na ni Trinidad.

Nabatid na may mga dati nang kaso ang mga nabanggit na akusado sa iba pang lugar bukod sa Tagaytay City.

Pinapurihan naman ni Senior Supt. Willian Segun, Cavite Police Provincial Director ang operating team sa pangunguna ni Supt. Elmer Decena sa aniya’y “job well done”.

Samantala , kasalukuyang pinaghahahanap ng pulisya ang isang babae na hindi pa nakasama sa nahuli na miyembro ng sindikato ng mga pekeng titulo.

Nakakalaya pa rin umano ang babaeng miyembro ng sindikato na nakilalang Aireen c tan aka irene tan celis na bihasa sa pamemeke ng titulo. Nabatid na ang nasabing miyembro ay mula sa Muntinlupa City.

TAGS: Batangas, fake titles, Radyo Inquirer, tagaytay city, Batangas, fake titles, Radyo Inquirer, tagaytay city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.