Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 15 miyembro ng NPA sa Barangay R.Gerona at Barangay Rector.
Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang hindi pa nakikilalang rebelde.
Nakuha din sa kanila ang isang M16 rifle at isang M14 rifle.
Patuloy pa ang paggalugad ng mga sundalo sa lugar at naglagay na rin ng karagdagang checkpoints matapos ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES