2 hinihinalang NPA patay sa engkwentro sa Sorsogon

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 09:30 AM

Nasawi ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa militar sa Bulan, Sorsogon.

Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 15 miyembro ng NPA sa Barangay R.Gerona at Barangay Rector.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang hindi pa nakikilalang rebelde.

Nakuha din sa kanila ang isang M16 rifle at isang M14 rifle.

Patuloy pa ang paggalugad ng mga sundalo sa lugar at naglagay na rin ng karagdagang checkpoints matapos ang insidente.

TAGS: Bulan, Radyo Inquirer, Sorsogon, Bulan, Radyo Inquirer, Sorsogon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.