KBP hinamon ang PNP na tutukan ang kaso ng pagpatay sa DWIZ correspondent
Nangangamba ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na muling maisasama sa statistics ng mga hindi nare-resolbang kaso ng media killings ang pagpatay sa volunteer-reporter ng DWIZ na si Jose Bernardo.
Kaugnay nito, hinamon ni KBP National Chairman Herman Basbano ang pamunuan ng Philippine National Police na kaagad na bumuo ng isang team na tututok sa kaso ni Bernardo.
Sa tala ng KBP, ang nasabing biktima ang ika-32 sa hanay ng mga mamamahayag na napatay sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Tulad ng ibang mga naunang kaso, sinabi ni Basbano na bigo ang pamahalaan na maibigay ang hustisya para sa mga biktima.
Si Bernardo ay binaril ng hindi pa kilalang mga suspect habang nakatayo sa harapanng isang restaurant sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City.
Tinamaan din ng ligaw na bala si Marlon Denio, isa sa mga tauhan ng nasabing restaurant na ngayo’y ginagamot sa isang ospital sa nasabing lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.