TienDA Malasakit Store binuksan sa Quezon City
Bukas muli sa publiko ang TienDA Malasakit Store nito sa San Andres, Maynila.
Ngayong araw at bukas, Sabado makabibili ng murang halaga ng gulay at iba pang produkto ang mga mamimili sa compound ng Bureau of Plant and Industry (BPI) sa San Andres.
Maliban dito, isa pang tindahan ang binuksan din ng DA sa compound nito sa Elliptical Road sa Quezon City.
Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, tone-toneladang gulay at prutas ang mabibili sa Maynila at Quezon City na pawang galing ng Mindanao at mababa ang presyo.
May ibebenta ring murang tuna at tilapia galing sa Central Luzon at dressed na manok.
May commercial rice din na galing sa Central Luzon na ang halaga ay P40 kada kilo.
Nagsimulang magbukas ang tindahan alas 6:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.