Walong suspek sa ilegal na droga arestado sa San Mateo, Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 07:02 AM

Arestado ang walong katao sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa San Mateo Rizal.

Unang nadakip ang tatlong drug suspects sa Barangay Guitnang Bayan Dos sa naturang bayan.

Nakuhanan sila ng ilang mga sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, sa Barangay Guitnang Bayan Uno naman, nadakip din ng mga tauhan ng San Mateo, Rizal Police ang limang iba pang drug suspects.

Nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa isang suspek kung saan nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.

Sa bahay ng suspek ay nadatnan ang apat pang parokyano nito sa ilegal na droga.

TAGS: drug susepcts, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, War on drugs, drug susepcts, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.